P3.4 milyon shabu, nahuli sa 2 babaeng Muslim

matapos makakumpiska ng P3.4 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation,kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz,Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Ainnah Ali at Norhanna Salgan,pawang nasa hustong edad.


Isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek alas-2 ng hapon sa may KFC Bustos,Sta.Cruz,Maynila.

Isang pulis na poseur-buyer ang nakipag- transaksiyon sa mga suspek at nang magkaabutan ay saka inaresto ang dalawang babae.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang transparent plastic ng shabu na nasa 500 gramo at nagkakahalaga ng P3.4 milyon.


Ang mgs suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek. (Philip Reyes)


Tags: Ainnah Ali at Norhanna Salgan

You May Also Like