P3.4 M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG PDEA AT PNP, 2 HVT HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

Umaabot sa P3.4 million ang halaga ng nakumpiskang shabu sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa dalawang nahuling ‘high value target’ sa likod ng parking lot ng isang gusali sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna.

Sa ulat, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 2 at Santa Cruz Municipal Police Station Drug Enforcement Unit ang dalawang suspek na kapwa itinuturing na mga ‘high value drug personalities’ na kinilalang sina alias Leovigildo, 38 at alias Allan, 45, na parehong residente ng Barangay Biñan, Pagsanjan, Laguna.


Nakuha sa mga suspek ang limang piraso ng knot- tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang sa 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P3,400,000 at ang ginamit na buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng PDEA Region 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.


You May Also Like