HUMIGIT-kumulang sa apat4 na kilo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti- narcotics operation sa Palawan Zone II, Barangay Divisoria, Zamboanga City, kahapon ng umaga.
Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nasa 4,400 grams (4.4 kilograms) ng suspected shabu na may estimated market value na aabot sa P29,920,000 ang nasamsam ng PDEA Zamboanga City Office, Regional Drug Enforcement Unit at NISG-Western Mindanao.
Dakong alas- 11:05 kahapon ng umaga, isang buy-bust operation ang inilunsad ng mga tauhan ng PDEA at dito ay nadakip ang sinasabing bigtime drug dealer na kinilalang si Ashraf Kayzar Ikbala y Julkarim a.k.a “bhar/Ak, 40, residente ng Aurora Village, Barangay Tumaga, Zamboanga City.
Nahaharap ngayon ito sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of RA 9165.














