Latest News

P287- MILLION HALAGA NG SHABU, HULI SA BUY BUST

NASA 57 kilos ng hinihinalang Shabu ang nasamsam sa isinagawang joint anti Narcotics operation ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency kahapon sa Mindanao Avenue, Quezon City kahapon.

Sa inisyal na ulat , tatlong lalaki na pawing hinihinalang mga bigtime drug personalities ang nadakip sa ikinasang intelligence at drug interdiction operation sa isang gasolinahan sa Mindanao Avenue na kinilalang sina Gibbrael Arcega y Sacianco 32 anyos; Mikkael Arcega y Sacianco 29 at Ramil Ramos y Jose 39 taong gulang.

Matapos na kumagat sa patibong nakuhan ang mga suspek na may 57 kilos Shabu na tinatayang may street value na aabot sa P 387.6 Million pesos at isang kalibre 45 pistola.

Isa sa mga suspek ang itinakbo sa pagamutan sanhi ng tama ng punglo ng tangkain niyang manlaban.

Una rito nagsagawa muna ng Case build-up at intel gathering ang mga ahente ng PNP Drug Enforcement Group IFLD at Special Special Operation Unit na siyang nagsilbing lead unit nang namataan ang nagaganap na abutan ng droga sa pagitan ng mga suspek na pakay ng kanilang paniniktik

Sangkot sa nasabing operation ang SOU NCR, QCPD STN 3, PDEA NCR, QCPD DDEU, CIDG, Bureau of Custom CIIS…

Nasamsam sa naturang operasyon ang 57 KILO ng SHABU, isang Nissan Urvan na gamit ng mga suspek at kalibre .45 baril na armas ng isa sa tatlong suspek na lumaban sa operating team.

Sa harap ng MEDIA at Brgy officials ay agad isinailalim sa markings and drug inventory ang mga nasabat na droga.

Ayon naman kay PNP DEG PLTCOL GLENN GONZALES, kasalukuyang ginagamot sa ospital ang isang suspek na kanilang naka enkwentro. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read