UMAABOT na sa P282 milyon ang kompensasyon ng mga health workers na naauring positibo sa COVID 19 at mga nasawi habang nasa duty ang na nai-proseso na ng Department of Health(DOH).
Ayon sa DOH ,ang nabanggit na halaga ay sickness at death compensation claims ng 21,800 health workers ngayon 2022 .
Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM).sa pamamagitan ng joint circular sa pagpapalabas ng P1.08 bilyon.
Sakop nito ang para sa Enero 1,2022 hanggang sa maalis ang public health emergency sa bansa.
Nabatid na P15,000 ang ibibigay sa mga health workers nagkaroon ng mild to moderate COVID-19 symptoms habanh P100,000 sa severe at kritikal ang kaso.
Habang P1 milyon naman sa legal na tagapagmana ng mga nasawi habang tumutupad ng tungkulin.
Tiniyak ni DOH Secretary Francisco Duque III na masusi silang nakikipag ugnayan sa DBM para sa pagpapalabas ng pondo para sa pagbabayad sa 2022 at 2021 compensation claims ng mga health workers. (Jaymel Manuel)