Hiniling ng Department of Health (DOH) na mabigyan ito ng karagdagang P27 bilyong pondo para sa health emergency allowance ng medical frontliners.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sumulat na ang ahensiya sa Department of Budget and Management noong Nobyembre 8 oara sa karagdagang pondo.
Nabatid na dumadaing na ang mga Health workers dahil sa mgà naantalang COVID allowances.
Ang mga health workers ay may HEA sa ilalim ng Republic Act 11712 o Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act, na pinagtibay noong Abril 2022.
“So, antayin lamang po natin ‘yung sagot ng DBM and of course, ‘yung issuance para maibigay din po natin sa ating mga healthcare workers ‘yung kanilang benefits sana bago mag-Pasko para masaya ang Pasko ng ating mga healthcare workers,” ani Vergeire .
Napag-alaman na nakapa palabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng may P19.4 bilyon para sa COVID-19 benefits ng mga health workers. (Carl Angelo)