Latest News

P272-M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

INIHAYAG kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasamsam ng kanilang mga tauhan ang nasa P272-milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu, sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Binangonan, Rizal.

Ayon kay PDEA Director-General Undersecretary Isagani Nerez, humigit-kumulang sa 40 kilograms ang shabu na nakumpiska ng kanyang mga tauhan sa ikinasang buy- bust operation sa Rizal Cement Village, Brgy. Pantok, sa bayan ng Binangonan, habang isang hinihinalang bigtime drug dealer ang nadakip sa nasabing operation na inilunsad ng PDEA Intelligence Service; PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) Regional Special Enforcement Team 2; PDEA Regional Office IV-A, Rizal Provincial Office at Philippine National Police Drug Enforcement Unit (PNP-PDEU) Rizal.

Pahayag ni Undersecretary Nerez: “Operation of this magnitude dealt a major blow to the supply chain of illegal drugs in the streets. There are more to come.”#


Nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na nahulihan ng 40 kilo ng shabu na nakasilid sa black gold foil.

Dinala na sa PDEA laboratory ang mga ebidensya para isailalim sa karagdagang pagsusuri.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read