Latest News

P25-MILLION HALAGA NG LPG, NAKUMPISKA

By: Victor Baldemor Ruiz

NASAMSAM ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pangasinan Provincial Field Unit ang P25 milyong halaga ng iligal na Liquified Petroleum Gas or LPG at refilling equipment sa Barangay Nilombot, Mapandan, Pangasinan.

Ang operasyon ay nag-ugat makaraang magreklamo ang LPG Maker’s Association hinggil sa umano’y iligal na bentahan at distribusyon ng REGASCO LPG cylinder tanks laban sa Centurions LPG refilling Station.

Base sa report t ni CIDG Director Police MGen. Leo Francisco na ipinarating sa tanggapan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, tatlong suspek ang naaresto sa operasyon kabilang ang cashier na si alyas ‘Ruby’ at dalawang tauhan na sina alyas ‘Jerry’ at ‘Roland’ habang nananatiling at-large ang pang-apat na suspek na umano’y may-ari ng refilling station na si alyas ‘Angel’.

Narekober sa refilling station ang dalawang trak ng samu’t- saring mga tangke ng LPG, refilling equipment, 47 generic na selyo ng mga tangke, mga dokumento at ?32,000.

Nasa kostodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Trademark Infringement at Unfair Competition ng RA No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines; gayundin sa RA No. 11592 o LPG Industry Regulation Act.

Tags:

You May Also Like

Most Read