Latest News

P25- M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PNP AT BOC

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAABOT na sa P25,775,440 ang halaga ng smuggled cigarettes na nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Bureau of Customs mula buwan lamang ng Mayo 2024, sa Northern Mindanao.

Sa inilabas na report ng BOC-Cagayan de Oro, katuwang ang Philippine National Police (PNP), ay lumagpas na sa P25 million ang halaga ng illegally-smuggled cigarettes ang kanilang nasamsam sa kanilang pinaigting na anti-smuggling operations sa Northern Mindanao at mga kalapit na lalawigan.

Inihayag naman ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na: “Addressing and preventing the illegal tobacco trade practices requires a team effort. Mahalaga na makipag tulungan ang Aduana sa ibang mga law enforcement agencies. Kaya pag iibayuhin naming ang pagtatrabaho katuwang ang PNP at iba pang mga enforcement agencies para masupil ang mga unlawful activities sa aming nasasakupan.”


Sa pinakahuling ulat na isinumite ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO), sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Alexandra Y. Lumontad, nakasabat ang kanilang mga tauhan katuwang ang local PNP kamakailan ng nasa 350 reams ng undocumented cigarettes sa in Brgy. North Poblacion

Agad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing kontrabando si DC Lumontad, bilang bahagi ng kanilang tuloy-tuloy na crackdown laban sa illicit cigarette smuggling activities.

Ang nasabing smuggled items ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Section 1113 (a)(f)(k) and Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to National Tobacco Administration Rules and Regulations.

Itinatayang nagkakahalaga ng P280,000 ang nakumpiskang sigarilyo base sa current market value.


Sinamsam din ng mga awtoridad ang isang Wing Van Truck na ginamit sa pagbibiyahe ng nasabing smuggled cigarettes.

Tags: Bureau of Customs

You May Also Like

Most Read