P23.3- MILYONG PUSLIT NA SIGARILYO AT PETROLEUM PRODUCTS, NASABAT

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG aabot sa P23.3 -milyong halaga ng smuggled cigarettes at petroleum products ang sinamsam ng Philippine Navy at Bureau of Customs sa karagatang sakop ng Sulu.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang mga operatiba ng Naval Task Force Naval (NTF) 61 na nasa ilalim ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), sa pakikipag-ugnayan sa Aduana ay nagsagawa ng kanilang anti- smuggling operation.

Tatlong lantsa ang kanilang nasabat na pawang sangkot umano sa pag-transport ng mga iligal na kontrabando sa karagatang sakop ng Sulu Province.


Sa nasabing maritime operation, nasabat ng NTF61 units ang may 700 karton ng undocumented tobacco products na nagkakahalaga ng P14,000,000.

Bukod dito ay nahulihan din ang motor lunch na, M/B JFM ng mga illegal firearms, kabilang ang isang M653 rifle at isang Cal. 45 pistol na may mga bala at sinasabing nagmula sa Municipality ng Pangutaran, Sulu at dadalhin umano sa Palawan subalit namataan sila ng mga tauhan ng Philippine Navy sa may North Ubian, Municipality ng Pangutaran, Sulu Province.


Sa gitna ng nasabing operation at isa namang lantsa na galing Palawan, ang M/L Somewhere na papunta naman ng Pangutaran Island, Sulu ang nasabat ng Navy at dito nadiskubre ang undocumented petroleum products na nagkakahalaga naman ng P3.3 million at 164 sako ng ammonium nitrate.

Ang sinabat na M/L Fatima Daniya, sa northwest Basbas Island, Sulu, ay nahuli namang nagpupuslit ng may 100,000 liters ng undocumented petroleum products na itinatayang nagkakahalaga ng P6,500,000 at itinurong nagmula nsa Municipality ng Mapun, Tawi-Tawi at dadalhin sa Sulu Province.


“Adhering to established protocols, NTF61 Units provided a prize crew for each vessel to ensure the proper turnover of the apprehended cargoes and watercraft to the Bureau of Customs,” ani Rear Admiral Donn Anthony L. Miraflor, PN Commander NFWM.

Tags: Bureau of Customs, Philippine Navy

You May Also Like

Most Read