Latest News

P21-MILLION SMUGGLED CIGARETTES, HAWAK NA NG BOC

By: Victor Baldemor Ruiz

HAWAK na ngayon ng Bureau of Customs ang may 1,000 master cases ng smuggled cigarettes na nasabat sa tulong ng Philippine Navy sa bayan ng Glan Sarangani nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, nasamsam ang mga puslit na sigarilyong nagkakahalaga ng P21 milyon lulan ng hinabol na isang motorized boat na may sakay na 16 hinihinalang smugglers.

Inabot umano ng mga awtoridad ang mga puslit na sigarilyong ibinababa mula sa fishing boat sa Barangay Batulaki ng nabanggit na bayan sa Sarangani na sinasabing nagmula naman sa Banguingui, Sulu.


Sa imbentaryo ay nalantad ang 1,000 master cases ng R and B cigarettes na may estimated value na P21 milyon na dadalhin sana sa Digos City, Davao del Sur.

Naharang ito matapos makipag-ugnayan ng Philippine Navy sa mga tauhan ng Aduana at local police, kasunod ng intelligence information na ibababa ng mga suspek sakay ng FB Blady Weeya mula Sulu ang mga puslit na sigarilyo sa Glan bago dalhin sa Digos City.
Agad na dinala ang smuggled items sa Bureau of Customs habang nakapiit naman ang mga suspek sa Police Station 2 sa lungsod ng Glan.

Tags: Bureau of Customs

You May Also Like

Most Read