P21 MILLION SHABU HULI SA KARPINTERO

By: Victor Baldemor Ruiz

MAHIGIT sa P21 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang karpintero subalit itinuturing na isang high value target ng mga awtoridad matapos ang ikinasang anti-narcotics operation sa bayan ng Dauis lalawigan ng Bohol.

Sa ulat , nadakip sa buy bust operation nitong nakalipas na linggo ang suspek na kinilalang si Sherwin Trabero Aranas alias Winwin, 33, isang high-value individual mula Purok 5, Barangay Mariveles ng nasabing munisipalidad .


Nakuha mula sa pag iingat nito ang tatlong plastic bundle ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3.225 kilos at may street value na aabot sa P21,930,000.

Sinasabing nagta trabaho bilang karpintero si Aranas, sa araw at nagde-deliver naman ng droga sa gabi sa munisipalidad ng Dauis at mga kalapit bayan sa Bohol.

Matapos na kumagat sa pain ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ay agad na pinalibutan ang suspek ng mga awtoridad bandang alas una ng madaling araw sa Purok 8, Barangay Songculan,


Nakuha sa pag-iingat nito ang isang P1, 000 bill at 59 pieces ng fake P1, 000 bills na ginamit na buy bust money.

Kasalukuyang naka-detain si Aranas sa detention facility ng Dauis Police Station habang ikinakasa ng mga arresting officers ang isasampang kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban dito.


Tags: Dauis Police Station

You May Also Like