P21 MILLION HALAGA NG SHABU NASAMSAM NG MGA TAUHAN NI GEN FRANCISCO

NASA P 21 million ang halaga ng Shabu ang nasamsam ng Philippine National Police –Police Regional Office 6 sa isinagawang magkahiwalay na anti narcotics operation ng mga tauhan ni PNP-PRO6 Director Police Brig. General Leo Francisco sa Negros Occidental.

Sa walang humpay na anti illegal drug campaign ng Police Regional Office 6 ang tatlong itinuturing na mga big time drug dealers sa dalawang magkahiwalay na drug bust operation sa Silay City, Negros Occidental at nasamsam ang humigit-kumulang sa 3,122 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 21,229,600.00 nitong nakalipas na Linggo


Arestado ang magkapatid na sina Angie Dumdumaya y Aguilar, 30 anyos at Angielyn Dumdumaya y Aguilar, 25 anyos, kapwa residente ng Barangay Lantad, Silay City dakong alas-10:05 ng umaga, sa isang buy-bust operation matapos pagbebenta ng isang sachet ng shabu sa isang poseur-buyer kapalit ng Php 30,000.00.

Umabot sa 2,010 gramo ang kabuuang halaga ng ilegal na droga na nasamsam sa magkapatid na tinatayang nasa Php 13,668,000.00 ang presyo ng droga.

Inilunsad ng pinagsanib na elemento ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 at Silay Component City Police Station (SCCPS) ang operasyon.


Samantala, dakong 9:45 ng gabi isa pang matagumpay na anti-drug sting na ginawa ng SCCPS sa Barangay Rizal, Silay City, ang nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlumpu’t anim na taong gulang na si Mark Villaran y Aguilar.

Nasamsam sa kanya ang dalawampu’t anim na sachet ng shabu na humigit-kumulang 1,112 gramo na nagkakahalaga ng Php 7,561,600.00.


“Ang pagkakahuli kay Villaran ay resulta ng aming follow-up operation, ani Gen Francisco.

Ang tatlong suspek na ito ay itinuturing na mga high value target kaya pinagsumikapang makabuo ng intelligence data laban mga bigtime drug personalities, ani Francisco.


“ These three suspects are considered high value individuals and we commend our personnel for the excellent intelligence building-up against these drug peddlers.

Despite of the recent feat, our anti-illegal drugs campaign in the region will relentlessly continue. It is our goal that the menace of illegal drugs in every community be eradicated,” mariing pahayag PBGen Francisco na dating pinuno ng Manila Police Finest.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Silay Component City Police Station ang tatlong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Philippine National Police –Police Regional Office 6

You May Also Like