NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P21 milyong halaga ng iligal na droga mula sa isang abandonadong parcel sa Central Mail Exchange Center sa domestic road sa Pasay City.
Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, ang nasabing parcel ay nagmula sa Malaysia, Thailand at sa United States at naglalaman ng 2,928 grams ng hinihinalang shabu na may halagang P19,910,400 nang suriin.
Ani Mapa, may karagdagang 997 gramo ng high-grade marijuana o kush na nadiskubre din, na may halagang P1,495,500.
Ang nasabing mga iligal na droga ay nadiskubre sa routine cargo x-ray screening at manual inspection ng customs examiners, kasama ang PDEA K-9 teams, dagdag pa ni Mapa.
Samantala, nai-turnover na ang naturang illegal drugs sa PDEA main office para sa malalimang imbestigasyon at proper disposition.














