P206- milyong halaga ng pekeng Louis Vuitton nasamsam ng NBI

By: Baby Cuevas

Kumpiskado sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)- Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang tinatayang nasa P206 milyong halaga ng pekeng Louis Viutton sa isinagawang pagsalakay nitong Agosto 9 sa Bulacan,Pasay City at Paranaque City.

Kabilang sa sinalakay ng NBI-IPRD ang isang bodega sa Brgy.Tabe Guguinto,Bulacan , apat na stalls sa LRT Shopping Mall sa ,Pasay City at isang stall sa Micar Shopping Center sa Paranaque City.

Ayon sa NBI, nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska sa may 1,588 piraso ng pekeng Louis Vuitton products.


Nabatid na nagreklamo sa NBI ang kinatawan ng LV dahil sa umano’y laganap na bentahan ng mga pekeng LV products sa mga nabanggit na lugar.

Nagsagawa muna ng test buy ang NBI at nang makumpirma ay isinagawa ang pagsalakay.


Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang mga-may ari ng nasabing establisimiyento.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read