Latest News

P203B utang ng pamilya Marcos iimbestigahan ng Senado

Pinaiimbestigahan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagkabigo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kolektahin ang utang sa buwis ng pamilya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang resolusyon, sinabi ni Pimentel na kailangang tingnan ng Senado kung bakit nabigo ang gobyerno na kolektahin ang P203 bilyong utang sa buwis ng pamilya Marcos.

Sabi ni Pimentel, ang kabayaran na makokolekta ng gobyerno ay maaring gamiting pondo para sa panukalang subsidiya sa mga sektor na naapektuah ng pagtaas ng produktong petrolyo.


“There is no clear funding source for these proposed subsidies and it is immediately obvious that the government would be hard-pressed to source the much-needed funds in order to support these social alleviation measures,” ani Pimentel.

Ang tinutukoy ng senador ay ang plano ng gobyerno na P500 ayuda para sa mga mahihirap ng pamilya para sa buong taon gayundin ang panukala ng labor department ng P24 bilyong subsidiya para sa mga minimum wage earner.

“The payment of the estate tax liability amounting to more or less P203.819 billion on the part of the heirs of Ferdinand E. Marcos in favor of the government would be more than enough to fund these proposed subsidies,” ayon kay Pimentel.

Nauna nang sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez na sinusubukan ng BIR na kolektahin ang bayad sa utang sa buwis ng mga Marcos.


Si Senadora Imee Marcos naman ay sinabi ring nakahanda naman ang kanilang pamilya na bayaran ito subalit kinukuwestiyon ang timing ng paglabas ng nasabing isyu.

Tags:

You May Also Like

Most Read