By: JANTZEN ALVIN
MAY P200- milyon halaga ng puslit na karne ang sinira ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang treatment storage and disposal facility sa San Ildefonso, Bulacan.
Ang mga naturang frozen products ay nasamsam sa isang cold storage facility sa Marilao, Bulacan noong Setyembre 27, matapos na madiskubre na ibinebenta ang mga karne online, taliwas umano sa claim ng kumpanya na ang pasilidad ay isa lamang ice plant.
Kaugnay niyan ay iniatas ni NBI Director Jaime Santiago ang pagsasampa ng kaso sa may-ari ng pasilidad, kung hindi maganda ang kanilang paliwanag.
Ayon kay Santiago, delikado umano na makain ang karne kaya dapat na sirain ang mga ito.
Nnagbabala si Santiago laban sa mga kumpanya na sangkot sa iligal na importasyon partikular na ngayong ‘ber’ months.
“‘Wag na nilang ipagpatuloy ‘yung ganitong negosyo at hindi namin titigilan ang aming cyber patrolling, mahuhuli’t mahuhuli namin sila, lalo ngayon na meron na tayong bagong batas na life imprisonment plus a fine of five times the value,” ani Santiago.