P20 million halaga ng agri products, kumpiskado sa BOC

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang Department of Agriculture (DA), ang itinatayang P 20 million halaga ng mga agricultural products na pinaniniwalaang iligal na nakapasok sa bansa.

Agad na naglabas ng Alert Order si Port of Subic District Collector Maritess Martin sa shipment ng Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading kung saan galing ang mga kargamento sa bansang China.


Isinailalim sa physical examination ang 1×40 na shipment ng Veneta Consumer Goods Trading na unang idineklarang mga foodstuffs pero pawang frozen carrots ang laman nito.

Ang 2×40 na shipment na nakapangalan sa Lalavy Aggregates Trading na idineklarang Frozen Lobster Balls at Crabsticks ay nadiskubreng naglalaman ng mga pula at puting sibuyas.

Nakatakdang maglabas ng warrants of seizure and detention ang Port of Subic sa mga nasabing shipments matapos itong isailalim sa inventory.


Ayon sa tagapagsalita ng BOC, sasampahan kaso ng Aduana at ng DA ang mga nakapangalang consignee habang tuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga kasabwat nito. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read