P20-MILLION DROGA HULI SA 2 CHINESE NATIONALS

DALAWANG Chinese nationals ang nahulihan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang may 3 kilo ng hinihinalang shabu sa panibagong anti-narcotics operation sa Quezon City.

Narekober sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR QCDO, AFP, NICA, PDEG SOU NCR, QCPD DDEU ang may 3 kilo ng shabu na may street value na aabot sa P20,400,000.00.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nagsagawa muna ng case build up at intelligence operation sa mga suspek bago isinagawa ng anti- illegal drug operation sa UNIT 705 Nice Hotel sa Mary Street Brgy. E. Rodriguez, Quezon City kamakalawa ng gabi


Batay sa report na isinumite ni Intelligence Service Director Adrian Alvarino ay kinilala ang ang dalawang banyaga na sina Zeng Shiliang, na may address na 60 Balong Bato, Quezon City ,Lee Jack ng #126 Speaker Perez St. Quezon City kapawa Chinese nationals.
Ayon kay director Alvarino binentahan ng mga suspek ng isang kilong shabu ang nagpanggap na poseur buyer na signal para dakpin ang mga ito.

Bukod sa nasamsam na droga sa buy bust ay nahulihan din ang mga suspek ng dalawang kilo pa ng hinihinalang Shabu na may tinatayang dalawang (2)unit na Smartphone, dalawang driver license bundle ng mga dokumento at ginamit na boodle money.

Sinabi pa ni Alvarino na ang dalawang banyaga ay may link sa mga naaresto sa Valenzuela city na tinaguriang “The Company” na pinapatakbo ng malaking drug syndicate sa Pilipinas.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5&11 ng Art. II ng RA 9165 ang mga na-aresto. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read