Umiiwas sa camera ang claimant ng kumpiskadong shabu.

P20.4 MILYONG HALAGA NG SHABU, NASABAT NG NAIA-PDEA

By: Jerry S. Tan

Aabot sa may P20.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa isang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa domestic road sa Pasay City.

Ang nasabing parcel ay padala umano ng isang ‘Juan Angel’ mula Vancouver, Canada, na naka consignee naman Kay alyas JOSEPH ACOGIDO ng Quezon City.


Naaresto naman ang claimant ng parcel na si alyas Joseph kung saan nakaabang na ang NAIA PDEA-IADITG sa CMEC.

Inaresto ito habang kinukuha ang parcel kung saan nakasilid ang tatlong transparent plastic pouch na naglalaman ng tinatayang 3,000 grams na hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa P20.4 million.

Ayon kay NAIA District Collector, Atty Yasmin Mapa, ang claimant ay ipinagharap na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.


Tags: Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG

You May Also Like

Latest News