Latest News

P2 KADA KILOWATT HOUR, DAGDAG-SINGIL NG MERALCO NGAYONG HULYO

By: Baby Cuevas

INIHAYAG ng Manila Electric Company (Meralco) na magdadag ito ng P2.1496 kada kWh sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Meralco, ito ay bunsod ng mas mataas na generation charge dahil normal na ang mga gastos sa kuryente kasunod ng mababang rate noong nakaraang buwan.

Dala niyan, ang magiging singil umano kada kwh ng Meralco ay magiging P11.60 na kumpara sa dating P9.4516 kada kWh.


Sa residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh, ang adjustment ay katumbas umano ng pagtaas ng humigit-kumulang P430 sa kanilang kabuuang singil sa kuryente simula ngayong buwan.

Ipinaliwanag ng Meralco na mula sa pagbawas noong nakaraang buwan, ang generation charge ay tumaas nitong Hulyo ng P2.0021 kada kWh.


Ito ay sa dahilang ang mga singil sa WESM ay bumalik sa normal na antas bilang resulta ng direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-stagger ang koleksyon ng mga singil para sa buwan ng Mayo sa apat na buwanang installment hanggang Setyembre 2024.


Tags: Manila Electric Company (Meralco)

You May Also Like

Most Read