P2.5 milyong Ecstasy, shabu nasabat ng BOC

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) at mga kapartner na ahensya ang halos P2.5 milyong halaga ng iligal na droga kabilang ang Ecstasy at shabu sa tatlong lokasyon sa Pasay City kamakailan.

Sa ulat ng BOC-Ninoy Aquino International Airport, nitong Pebrero 1 nang masabat ang tatlong parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pair Cargo, at sa DHL Warehouse sa Pasay City.


Nang isailalim sa physical examination, naberepika ang presensya ng anim na plastic pouches ng candy at ibang vape cartridge na naglalaham ng “THC (tetrahydrocannabinol), nasa 1.020 kilo ng Ecstasy at 106.46 gramo ng shabu na may kabuuang halagang P2.476 milyon.

Nabatid na nagmula ang mga parcel sa United States, France at Pakistan. Ang mga consignee naman ng mga ito ay nasa Negros Occidental, Makati City at Camarines Sur.

Kasalukuyang nagkakasa na ang BOC katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng imbestigasyon at operasyon para maaresto ang mga consignee at iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.


Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga iligal na droga para sa kaukulang disposisyon nito. (Philip Reyes)


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read