NAKATAKDANG ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa Abril ang panibagong P2.5 bilyon karagdagan subsidy para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyon para sa sektor ng agrikultura bilang tulong para makayanan ang impact ng.oagtaas ng mga produktong petrolyo.
Auon kay Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda,ngayon buwan ay sinimulan na ng gobyerno ang unang tranche ng subsidiya kung saan may 377,000 public utility vehicle drivers ang inaasahang makakatanggap ng tig P6,500 habang ang mga magsasaka at mangingisda ay makakatanggap ng tig P3,000.
Hindi naman madetermina ni Canda kung magbibigay pa ang gobyerno ng ilatlo at ikaapat na fuel subsidy,deoende umano ito kung magpapatuloy pa angnpagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Tumanggi rin si Canda na magbigay ng timeline sa distribusyon ng P200 buwanang subsidy sa mga mahihirap na pamilya.
“Maaaring ibigay ng April or May, depende kasi sa certification ng [Bureau of the] Treasury,” ani Canda.
Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 ayuda sa pinakamahihirap na pamilya da bansa sa loob ng 1 taon sa halip na suspendihin ang fuel tax.
Nalaman kay Canda na ang P33.1 bilyon inilaan sa P200 ayuda sa pamilyang mahihirap ay manggagaling sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng national budget.
Nabatid na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ,ang magpapamahagi ng ayuda. (Carl Angelo)