Latest News

P19-M halaga ng pekeng produkto, nasamsam

By: Baby Cuevas

Nasa mahigit P19-milyong halaga ng pekeng produkto na may trafemark na Gucci, Victoria’s Secret at Bath & Body Works ang nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan sa tatlong.magkakahiwalay na.lugar sa National Capital Region (NCR).

Nabatid sa National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) na isinagawa ang sabayang pagsalakay noong Hulyo 5 sa dalawang bodega sa Caloocan at Valenzuela City, gayundin sa dalawang tindahan sa Baclaran Terminal Plaza 1 dalawang tindahan sa Carriedo Plaza at dalawa pang ibang tindahan.

Kabilang sa nasamsam ang mga pekeng pabango,tuwalya at undergarments. Ang operasyon ay resulta ng reklamo isinampa sa NBI-NCR na humiling ng imbestigasyon para matigil.ang.pagkalat at pamamahagi ng mga pekeng produkto kung saan nako-kompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng publiko na bumibili ng mga substandard na produkto.


Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrants mula sa mga korte para sa mga nabanggit na establisimiyento.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read