NASA P19.9 bilyong halaga ng dangerous drugs at Controlled Precursors and Essential Chemicals (CPECS ang winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinasabing ito ang pinakamalaking bulto ng iba’t ibang ilegal na droga na sinunog na nasamsam mula sa anti-drug operations na isinagawa ng PDEA katuwang ang mga law enforcement at military units, ayon sa record ng ahensya.
Isinagawa ng PDEA ang pagwasak sa 3.7 tons o 3,746,081.07 gramo ng droga sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay Director Derrick Carreon, PDEA spokesperson ” It was destroyed through thermal decomposition (thermolysis) at a waste management firm in Cavite.”
Sinasabing , nasa P18.4 billion halaga ng shabu ang siyang kumakatawan sa pinakamalaking bulto ng winasak na droga. Bukod sa P36.8 million halaga ng marijuana, P2.1-million cocaine at P1.3 million halaga ng party drugs o ecstasy.
Magugunitang kamakailan ay tahasang itinaggi ng PDEA na binibigyan nila ng 30 porsyento ng nakumpiskang droga ang kanilang mga informants.
“To the best of my knowledge, it has never been a prevailing practice in the PDEA reward system,”pahayag ni PDEA director general Moro Virgilio Lazo sa ginanap nba Senate hearing kung saan muling naungkat ang tangkang pagkupit umanong 42 kilos ng shabu mula sa halos isang toneladang droga na nahuli sa anti narcotics operation sa Tondo na kinasasangkutan ng ilang pulis.
Seized narcotics as reward for tipsters not PDEA practice: ani DG Lazo.Paliwanag pa ng opisyal na mahirap silang malusutan ng kanilang mga ahente.”Guarded, every room, everywhere may CCTV. Sa loob ng lab may CCTV din… Papasok na yan sa vault, sa evidence room, yung evidence room may 3 padlock at biometrics.”
Kabilang sa mga winasak na drug evidence ang mga sumusunod:
• 2,715,151.4251 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu (P18,463,029,690.54);
• 306,787.0243 gramo ng marijuana (P36,814,442.92);
• 407.7200 grams ng cocaine (P2,160,916.00);
• 340.8424 gramo ng MDMA o ecstasy (P1,353,813.27);
• 15.6000 gramo ng diazepam (P604.50);
• 1.0823 gramo ng nitrazepam (P23.00)
• 7.2429 gramo ng meth+caffeine
• 12.2024 grams ng ketamine (P47,589.36);
• 668,918.8680 gramo ng ephedrine
• 704.3800 gramo ng MDA
• 95.6000 gramo ng meth+MDMA
• 13.1555 gramo ng psiloscin
• 33,625.9300 gramo ng N-Dimethylamphetamine
• 716,500.0000 mL ng meth HCL;
• 252.0000 mL ng GBL (P374,850.00);
• 40,000.0000 mL ng ephedrine+meth hcl;
• 107.00 mL ng liquid marijuana; at
• 20,000.00 mL ng surrendered expired medicines
Ang pagwasak sa mga dangerous drugs ay bilang pagtugon sa alituntunin hinggil sa kustodiya at disposisyon ng mga nahuling dangerous drugs sa ilalim ng Section 21, Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.
Sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Local officials ng Barangay Aguado, Trece Martires City, representatives mula Philippine National Police (PNP) at iba pang mga law enforcement agencies, non-government organizations (NGOs) at mga kinatawan mula sa media ang ginawang destruction of dangerous drugs. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)