P145K iligal na droga, nakumpiska ng Las Piñas Police

Matagumpay na naaresto ng Las Pinas City Police Station, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang drug suspect sa ikinasang drug bu-bust operation sa kahabaan ng Tent C5 Extension sa lungsod ng Las Pinas pasado alas -11:03 Martes ng gabi.
Hindi na nakapalag ang suspect na kinilalang si alyas ‘Boss’, 28, matapos kumagat sa pain ng pulis na nagpanggap na bibili ng iligal na droga.

Matapos maiabot ang bayad, dito na inaresto ang suspect kung saan unang nakuha sa kanya ang 14 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P95,200.


Sumunod na nakumpiska sa pag iingat ng suspect ang 417.3 grams ng marijuana na may market value na P50,076.

Narekober din ng mga awtoridad ang P500 na ginamit na buy-bust money.

Nahaharap naman ang suspect sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, ng Article II ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.


Pinuri naman ni Southern Police District Director P/ Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang mga tauhan ng Las Pinas Police Station sa matagumpay na pagkakaaresto sa naturang suspect. (TONY GILDO)


Tags: Las Pinas City Police Station

You May Also Like