P139-MILYONG UNDECLARED GOODS MULA CHINA, NAPIGIL NG BOC

Umaabot sa P139-million halaga ng agricultural products na nagmula sa bansang China ang napigilang kumalat sa merkado ng Bureau of Customs bago mag-Pasko.

Ayon sa BOC, dumating ang mga kontrabando mula China sa pagitan ng Nobyembre 27 at Disye,bre 3 sa Manila International Container Port (MICP).


Nabatid na naka-consign ang nasabat na undeclared goods sa isang consumer goods trading company sa Alabang, Muntinlupa.

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, lubhang nakaaapekto sa sektor ng agrikultura ang pagpasok ng mga smuggled agricultural product sa mga pamilihan kaya todo ang pagbabantay nila sa Aduana

Nauna nang iniulat ng BOC na may nasabat silang P171-M na halaga ng mga smuggled na produktong pang-agrikultura at pagkain mula sa China.


Samantala , umaabot naman sa 1,900 liters ng unmarked kerosene ang nasabat ng Bureau of Customs katuwang ang iba pang government security forces sa Tacloban City.

Batay sa ulat, ang Bureau of Customs-Port of Tacloban katuwang ang kinatawan ng Société Générale de Surveillance (SGS) ay nasabat ang 1,900 liters ng kerosene fuel sa isang gas station sa Cabalawan, Tacloban City.


Armado ng Letter of Authority at Mission Order na pirmado ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pinangunahan ng Enforcement Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng port pf Tacloban ang pagsusuri at pag- analisa sa kerosene.

Ayon sa SGS Fuel Marking employees, wala silang nakitang presensiya ng fuel marker, isang uri ng chemical unique marker na ginagamit sa mga petroleum products, para tiyaking nabayaran ang kaukulang duties and taxes.


Nabatid na negatibo o lumalabas na 0% ang presensya ng fuel marker na sinuri base sa initial testing kaya ipinadala ang nakuhang sample sa Cebu port para muling suriin para sa kumpirmasyon . ‘Confirmatory laboratory tests confirmed the absence of fuel marker’, ayon sa report.

“In line with President Ferdinand Marcos Jr.’s 10-point agenda for fiscal discipline to improve efficiency and collection of taxes by the BIR and BOC, and with the guidance of the Commissioner Yogi Filemon Ruiz, the Port is committed to eliminate illicit trade and strengthen border control,” pahayag ng Tacloban Port. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: Manila International Container Port (MICP)

You May Also Like