NAGSANIB puwersa ang Philippine Navy Naval operatives at PNP Regional Drug Enforcement Unit para magsagawa ng law enforcement operation na nagresulta sa pagkasamsam sa itinatayang dalawang kilo ng shabu sa Zamboanga City .
Ayon kay Lt. Chester Ross A Cabaltera, Acting Public Affairs Officer, Naval Forces Western Mindanao katuwang ang PNP-PDEG ay ikinasa ng kanilang mga tauhan ang isang anti-narcotics operation sa Tumaga-Putik Road, Zone 5, Brgy Tumaga, Zamboanga City, laban sa ‘identified high value drug targets.’
Sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command , Vice Admiral Toribio Adaci nasa ?13.6 million halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska at tatlong drug personality ang kanilang nadakip.
Pansamantalang hindi muna kinilala ang mga naarestong suspek na kinabibilangan ng isang babaeng senior citizen at isang babae at isang lalaki na hindi muna pinangalanan dahil sa isinasagawang follow up investigation .
Dinala ang mga nakumpiskang droga sa Regional Forensic Unit para sa ‘quantitative and qualitative analysis’ habang nasa kustodiya naman ng Zamboanga City Police Office’s detention facility ang mga naaresto para sa dagdag na pagsisiyasat at proper processing and documentation.














