Latest News

P12M shabu, kumpiskado sa buy-bust sa Quiapo

May P12 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 14 mula sa isang 26- anyos na Muslim sa isiginawang buy- bust operation kamakalawa ng madaling araw sa Quiapo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS14 ang suspek na si Salaudin Baumal,alyas Kulot ,ng Pasig City,matapos na maaresto alas-2:30 ng madaling araw sa Room No. B4, Balay sa Ciudad, Quezon Blvd., Brgy. 391, Quiapo, Maynila.

Ayon kay PMajor Gil John Lobaton, umaktong poseur-buyer sina PSSg Jose Edward Gomez at Pat Fernand De Castro at matapos iabot ang P1,000.marked money ay inaresto na ang suspek.

Nasamsam sa suspek ang 10 transparent plastic sachet at Isa pang malaking plastic ng shabu na may timbang na 1.750 gramo na nagkakahalaga ng P11 9 milyon,.

Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II of the Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinapurihan naman ni MPD.Director P BGen Andre Dizon,ang mga tauhan ng MPD-PS14 dahil sa pagkak-aaresto sa suspek.

“This is quite an accomplishment for the men and women of PS14 and the Manila Police District. This demonstrates our relentless campaign to resolve and to go all-out in our fight against illegal drugs to clear our barangays of this menace to the society,” ayon kay Dizon. (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read