Nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang may P127 milyon halaga ng pekeng Louis VuItton at computer na may pekeng software,kamakailan sa Maynila at Cavite.
Ayon sa NBI, ipinatupad ang anim na search warrant laban sa may-ari ng stockroom sa Tondo, at lmang stalls sa 168 Shopping Mall center kung saan nasamsam ang may 1,618 piraso ng louis Vuitton products na nagkakahalaga ng P121,000,000.
Sa isinagawa namang operasyon ng NBI noong Setyembre 13 ,2023 sa SUNG HYUNG PRECISION CO., INC. sa may Rosario , Cavite, nakakumpiska ang NBI ng limang set ng desktop computers na may pekeng Siemen software na nagkakahalaga ng P6 milyon .
Sinampahan ng NBI-IPRD ng paglabag sa RA 8393 o Intellectual Property Code of the Philippines sa Manila at Cavite Prosecutors Office ang may-ari ng establisimiyento.