P11-B shabu, sinira

Sinira na ng National Bureau of Investigation(NBI) ang may P11 bilyong shabu na nakumpiksa noong Marso 15, 2022 sa Infanta,Quezon.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, base sa memorandum isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 Bilyon shabu ay bahaginng ebidensiya na ipinasisira ng korte.


Ayon kay Distor,sinira ang shabu nitong Hunyo 2 sa Trece Martirez,Cavite sa harap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at 6 na NBI-Forensic Chemistry personnel.

Nalaman na inilagay ang may 80 mega box ng mga shabu sa pyrolysis machine.

Matatandaan na ang malaking bulto ng shabu ay nasabat ng NBI- Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), NBI-Research and Analysis Division (RAD) at Lucena District Office (LUCDO), sa pakikipag koordinasyon sa PNP Infanta,Quezon at PDEA,Lucena.


Naaresto rin ang 10 kalalakihan na may dalang shabu sakay ng tatlong van. (Anthony Quindoy)


Tags: National Bureau of Investigation(NBI)

You May Also Like