P104.7M HALAGA NG SHABU, NABINGWIT SA CAGAYAN

By: Victor Baldemor Ruiz

INATASAN ni President Ferdinand Marcos, Jr ang lahat ng law enforcement authorities na magsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa mga dalampasigan para masawata ang anumang pagtatangka na makapagpuslit ng iligal na droga sa Pilipinas.

Ang nasabing kautusan ay bunsod ng sunod-sunod na recovery ng bulto-bultong shabu sa Bataan, Pangasinan, Ilocos Norte at Cagayan na nagkakahalaga ng mahigit sa ilang billion na nakitang palutang- lutang lamang ng mga mangingisda.


Sa pinakahuling recovery na naitala kahapon ng PNP Project Spies, isang sako ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na may street price na aabot sa P104,720,000, ang nakuha ng mga mangingisda sa dagat n sakop ng Cagayan Province.

Sa ulat na ibinahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency, isang sako na naglalaman ng 15 plastic packs ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang sa 15 kilograms na may halagang P102,000,000, ang nakuha sa territorial waters ng Babuyan Island at Gonzaga, Cagayan.

Nang sumunod na araw ay 400-gram ng floating shabu package na may street value na umaabot sa P2,720,000 naman ang nakuha sa dagat na sakop ng Camiguin Island at Cape Engaño, Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.


Agad naming isinuko ng mga mangingisda ang nakuhang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office II (PDEA RO 2) at local units ng Police Regional Office 2 (PRO 2).

“The honest acts of fishermen, the prompt response and proper turnover of the floating contraband to authorities, and the steady sea surveillance and patrolling, are all part of a holistic approach to curb the flow of illegal drugs in the coastal areas of Cagayan Province. We do not want these dangerous substances to fall into the clutches of wrong people”, pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.


Itinatag ang Project: “Strengthening Port Interdiction to Enhance Security”, or SPIES — isang security initiative ng Cagayan Police Provincial Office ng PNP Police Regional Office 2 na pinamumunuan ni Regional Director PBGen. Antonio Marallag Jr. para pangalagaan ang malawak na dalampasigan ng Cagayan Province mula sa drug trafficking activities.

“We cannot simply overlook the value of the contribution of Project: SPIES and its implementing police officers in combating drug smuggling in the province of Cagayan. In tandem with PDEA, they have provided much heightened vigilance and increased law enforcement efforts on the lookout for the remaining floating contraband along Cagayan’s coastal areas”, dagdag pa ni Director General Nerez.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read

Latest News