ITINATAYANG aabot sa mahigit P100 million halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police Highway Patrol Group sa nakalatag na checkpoint sa Catbalogan, Samar.
Sa inisyal na ulat, kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ang driver ng isang kotse na nakitaan umano ng itinatayang nasa 15 kilo ng hinihinalang shabu, nang masita ito sa checkpoint dahil lamang sa basag na ilaw.
Ayon kay Lt. Nadame Malang, tagapagsalita ng PNP-HPG, pinara ng mga pulis ang isang kotse matapos mapansing basag ang ‘fog light’ nito, subalit sa isinagawang visual inspection ay nadiskubre ang mga kahon na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na nakatago sa trunk ng sasakyan.
Sinabi ni Malang na posibleng aabot sa P100 milyon ang halaga ng nasabat na shabu na itinatayang nasa 15 kilo.
Sa ngayon, isinasagawa pa ang inventory ng ebidensya na nasa PNP Crime labna para sa kaukulang pagsusuri habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek.
Pinara umano ng mga awtoridad ang isang kotse na duman sa kanilang checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway, sakop ng Brgy. New Mahayag, Catbalogan, Samar kahapon ng umaga.