Iginiit ng iba’t bang Labor groups at militanteng grupo ang P100 na arawang wage increase sa ginanap na kilos-protesta sa Labor day sa Maynila.
Nabatid na tinaya ng Manila Police District (MPD) na nasa mahigit 5,000 manggagawa ang lumahok sa isinagawang kilos protesta.
Alas 6 ng umaga nang magsimulang magtipon sa harap ng UST ang mga manggagawa.
Nang mapuno ang kahabaan ng España ay saka umusad papuntang Mendiola at kasunod ay nagpunta sa US Embassy at doon nagdaos ng kanilang programa, alas -11:50 ng umaga.
Nabawasan naman ang tensyon matapos salubungin ang mga manggagawa ng mga pulis na may bitbit na “love placards” na may mga nakasulat na mga salitang nagpapasalamat at humihiling ng pagkakaisa bago pa sumapit sa US Embassy sa may Roxas Boulevard.
Ayon kay MPD PMajor Philipp Ines, hepe ng Public Information Office, naging mapayapa naman sa pangkalahatan ang rally sa Labor Day sa Maynila.














