KINUMPIRMA kahapon ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na sa P10 milyon ang pabuya para sa impormasyong magreresulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa Chinese businessman na si Anson Que at kanyang driver.
Inihayag ng PNP na itinaas na sa P10 million reward ang nakalaan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungo sa ikadarakip ni Wenli Gong, ang umano’y co-mastermind sa Que kidnap slay case.
Si Gong, isang Chinese national, ay kilala rin sa mga alyas na Kelly Tan Lim at Axin, at siya umanong ginamit para makumbinsi si Que na pumunta sa isang bahay sa Bulacan kung saan siya dinukot at pinatay.
Sinasabing may malaking papel sa kaso ng pag-kidnap at pagpaslang sa negosyanteng si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabilio ang nasabing suspek na ginawa umanong pain ng grupo.
Sina Liao at Kelly ang umano’y masterminds habang sina Austria, Catequista at Lin ang mga kasabwat, ayon kay Fajardo.#
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, ang reward money sa paghahanap kay Gong Wenli alyas Kelly Tan Lim/ Bao Wenli/Axin/Huang Yanling ay itinaas sa P10-M mula sa P5-M.
“Itinaas na po sa P10 million ang reward kung sino man po ang ang makakapagbigay ng information sa mabilis po na ikakadakip o ikakaaresto ni alias Kelly,” pahayag ni Fajardo sa isang press briefing.
Tinukoy ng mga pulis ang limang suspek sa pagpatay kay Que at kanyang driver, kabilang ang mga nasa kustodiya na ng mga awtoridad na sina David Tan Liao, Ricardo Austria at Reymart Catequista at mga tinutugis pang sina Jonin Lin at Kelly.