P10 MILLION HALAGA NG MARIJUANA PLANTS, WINASAK

TINATAYANG aabot sa mahigit P 10 million ang halaga ng Marijuana plants ang winasak sa 4 na lugar sa Kalinga matapos ang dalawang araw na marijuana eradication na isinagawa ng PNP-Drug Enforcement Group Special Operations Unit-CAR.

Sa ulat sinalakay ng mga awtoridad ang 5,200 sqm na lupain sa apat na site sa Barangay Loccong at Barangay Ngibat sa Tinglayan, Kalinga.


Sa loob ng 2 araw mula Mayo 18, binunot at sinunog ng mga awtoridad ang 52,000 piraso ng full-grown marijuana plants na tinatayang nasa P10.4 milyon ang standard drug price.

Sa unang site ng marijuana eradication sa ilalim ng Coplan Spraky Night, nakuha ang 15,000 piraso ng full-grown marijuana plants; sa site two, 7,500 piraso ng full-grown marijuana plants; sa site three naman binunot at sinunog ang 27,500 piraso ng full-grown marijuana plants habang sa huling site naman ay nakuha ang 200 piraso ng full-grown marijuana plants.

Walang inabutang maintainer o cultivators ang mga pulis sa isinagawang marijuana eradication. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PNP-Drug Enforcement Group Special Operations Unit-CAR

You May Also Like