Latest News

P10.2 milyong shabu, nasabat ng mga aso ng PCG

NAGKAKAHALAGA ng kabuuang P10.2 milyong hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) gamit ang kanilang mga ‘working dogs’ sa isang airline company sa Zamboanga City at Tawi-Tawi kahapon.

Isang plastic bag na idineklarang may lamang “Chinese tea plastic bags” ang isinailalim sa pagsusuri ng PCG K9 Field Operating Unit BARMM sa Tawi-Tawi kahapon gamit ang kanilang Coast Guard Working Dog (CGWD) na si ‘James’ na siyang nagkumpirma na may laman itong iligal na droga.

Dito nadiskubre ang nasa isang kilong hinihinalang shabu na may halagang P6.8 milyon. Dinakip naman ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sina Nurhamin Nurussin at Husna Nurussin.


Nakatakda silang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nauna dito, nitong Martes, isang pakete na ipinadala ng isang Farhana Maddih mula sa Maluso, Basilan at tatanggapin dapat ng isang Dayana Ismael mula sa Quezon City ang nasabat naman ng PCG sa isang airline company sa Zamboanga City.

Isinailalim ito sa pagsusuri at ginamit si Coast Guard Working Dog (CGWD) ‘Bunny’ na inupuan ang naturang pakete.

Nang buksan, dito nadiskubre ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P3.4 milyon.


Ibinigay na ang iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. (Anthony Quindoy)

Tags: PCG K9 Field Operating Unit BARMM

You May Also Like

Most Read