P1-MILLION REWARD SA KILLER NG MODELO

PARA mapabilis ang pag-resolba sa kaso ng pagpatay sa isang modelong negosyante ay naglaan ang mga awtoridad sa Davao City ng P1-milyong reward para sa ikadarakip ng riding-in-tandem gunmen na siyang nasa likod ng nasabing pamamaslang .

Inuihayag ng Davao region police na may pabuyang inilaan para makatulong na matukoy ang pumaslang sa 38-anyos na negosyante at model na si Yvonne Chua Plaza sa naturang lungsod.


Una nang nagtatag ng ‘Task Force Yvonette’ ang kapulisan sa Davao para matutukan ang kaso ng pamamaslang na naganap nuong Disyembre 28, 2022 sa labas ng inuupahang bahay ni Yvonne Chua Plaza sa Green Meadows Subdivision sa Brgy. Mintal, Tugbok district.

Ito ay makaraang mag viral sa social media ang kaso ng biktima na sinasabing may kaugnayan sa isang dating law enforcement officer .

Ayon sa pulisya, hindi pa rin nila matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang gunmen sa kabila ng mga nakalap na CCTV footage dahil natatakpan ng helmet ang mukha ng dalawang salarin.


Ayon kay Police Col. Alberto Lupaz, head ng Davao City police, hindi lang pagnanakaw ang intensiyon ng mga salarin dahil naunang binaril si Plaza bago kunin ang kanyang bag pagbaba nito sa kanyang Mitsubishi Montero Sport vehicle.

Posible aniyang personal na away bukod sa pagnanakaw o ‘business dispute’ ang motibo sa krimen na kabilang sa mga anggulong tinututukan ng binuong Task Group.


Sinasabing kasalukuyang may mga ‘persons of interest’ na rin umanong sinusundan, subalit kasalukuyan ay patuloy pa ang pangangalap ng mga katibayan kaya’t hindi muna sila tinukoy.

Iniimbestigahan din umano ng nasabing Task Group ang mga kumalat na social media post hinggil sa pagkakasangkot sa isang ranking official.


Sa ibinahaging report ni Police Maj. Eudisan Gultiano, Davao regional police spokesperson, ang 11-man Task Group Yvonette ay pinangungunahan nina Police Col. Thor Valiente Cuyos, deputy regional director for operations; DCPO director Col. Alberto Lupaz; at Davao region’s Criminal Investigation and Detection Group chief Maj. Randy Rajah Ramos. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Davao City police

You May Also Like