P1 bilyon SRA , hindi pinondohan — Vergeire

Ibinulgar ni Department of Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire na ang P1 bilyon COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa health workers ay nanatiling walang pondo,dalawang taon na ang nakakalipas nang tumama ang pandemya sa bansa.

Ito ang naging tugon ni Vergeire matapos kuwestiyunin ni House Minority Leader France Castro ng Alliance of Concerned Teachers party-list sa ginanap na presentasyon ng DOH sa P301 bilyonnpanukalang budget para sa 2023 sa House Appropriations panel.


Ito umano ang SRA ng may 55,844 health workers

Sinabi ni Vergeire nanpinag-uusapan na umano nila ito ng DBM at patuloy silang naghihintay ng tugon.

“This is worth P1 billion, and we are still waiting for their response,” ani Vergeire.


Samantala,sinabi ni DBM Director Sofia Abad na patuloy pa isinasailalim mg ebalwasyon ang kahilingan ng DOH para sa SRA ng health workers. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read