P1 BILLION HALAGA NG SHABU, NASAMSAM NG PDEA AT MILITARY INTEL

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA P1 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga intellignece operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Armed Forces of the Philippines sa isinagawang joint anti-narcotics operation sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay PDEA Director General, Usec Isagani Nerez, itinatayang nasa 155 kilo ng shabu ang nakuha ng kanyang mga tauhan katuwang ang military at pulis mula sa sinalakay na bahay sa Orchid Street, Timog Hills Subdivision, Barangay Pampang, Angeles City, bandang alas- 4:00 kamakalawa ng hapon.


Matapos ang intelligence gathering ng mga awtoridad ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Intelligence Service; PDEA Regional Office-National Capital Region (NCR); at PDEA Regional Office III; katuwang ang AFP-Counterintelligence Group, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Philippine National Police, ang kanilang target sa bisa ng hawak nilang search warrant.

Sa ibinahaging impormasyon ni Usec Nerez , nadiskubre umano nila ang bulto ng iligal na droga na nakasilid sa 155 transparent plastic bags, na itinatayang tumitimbang ng isang kilo ang bawat isa at may street value na aabot sa ?1,054,000,000.

Lumilitaw umano na abandonado na ang bahay bago pa dumating ang raiding team kaya walang inabutan o nadakip ang mga awtoridad, ani Director Laurefel P Gabales PDEA Chief, Public Information Office.


“…The house turned out to be abandoned. The subject of the search warrant, a Chinese national, was nowhere in sight and remains at-large. He will be facing charges for violation of Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” ani Lawin Gabales.

Kamakailan ay nakumpiska ang PDEA ng mahigit sa 35 kilo ng shabu sa isinagawang follow-up sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga, kung saan isang Chinese national at ka-live in nitong Pilipina ang nadakip.


Pinaniniwalaang magkaugnay ang mga isinagawang anti- drug operation .

“While PDEA prioritizes the conduct of high-impact operations resulting in the arrests of high-value drug personalities and high-volume drug seizures, it is at the grassroots level where most of the drugs are sold and abused. We will not relinquish our thrust to go after small scale drug dealers in communities as ordered by His Excellency Ferdinand R Marcos, Jr.”, paglilinaw ni Usec Nerez.


Samantala, inihayag ni Gabales na hindi bababa sa 95 high-value drug personalities ang matagumpay na inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa loob lang ng isang linggong operasyon kontra sa iligal na droga.

Kabilang sa mga lugar kung saan isinagawa ang 60 anti-drug operations ay sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Central Visayas, Caraga, Cordillera at maging sa National Capital Region (NCR).JESSE KABEL RUIZ

Mula sa naturang bilang, aabot sa 62 na tulak ng iligal na droga ang kanilang naaresto habang nasa anim naman ang sinasabing may-ari ng drug den.



Batay sa datos ng ahensya , aabot na sa P78.24-million na halaga ng droga na kanilang nakumpiska mula Mayo 16-23.

 

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Latest News