Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Manila International Container Port (MICP) ang mahigit 275 kilo ng shabu na may street value na aabot sa P1.7 bilyon sa Maynila.
Kinumpirma ni PCol Jean Fajatdo,hepe ng PNP-Public Information Office, na ang iligal na droga ay nadiskubre sa loob ng isang container van nang isailalim sa x-ray at physical examination.
Ang nabanggit na bulto ng shabu ay nanggaling umano sa Mexico.
“The initial report that we received was that there were 200 to 275 kilos of illegal drugs. But there could be more as the inventory is still ongoing,” ayon kay Fajardo.
Ang operasyon ay ginawa ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) matapos na makatanggap ng intelligence report kaugnay sa posibleng pagdating ng shipment ng shabu.
Ang impormasyon ay natanggap noong nakaraang linggo at kaagad na ipinagbigay-alam sa Bureau of Custom (BOC).
Ang mga nakumpiskang shabu ay nakalagay umano sa iba’t-Ibang kahon.














