P1.4-M HALAGA NG KUSH, NASABAT, ISA, ARESTADO

By: Victor Baldemor Ruiz

HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasa isang kilo ng high-grade Marijuana o Kush na nasabat sa joint anti- illegal drug interdiction operation.

Ayon sa ulat, itinatayang nagkakahalaga ng P1.4 million ang halaga ng high-grade marijuana na nasamsam ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Dinakip din ng mga awtoridad ang tumatayong consignee ng nasabat na parcel na napatunayang naglalaman ng Kush, sa ginawang entrapment sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.


Napag-alaman na idineklara na mga damit ang nasabat na kontrabando na nagmula sa Thailand subalit sa masusing profiling na ginawa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), x-ray screening ng X-Ray Inspection Project (XIP), K9 inspection at physical examination, ay nadiskubre na iligal na kontrabando ang laman ng bagahe.

Agad na ipinasa sa PDEA ang nadakip na consignee at confiscated illegal drugs para sa inquest proceedings for violations of Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended) and Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).


“This operation highlights the critical role of inter-agency collaboration in protecting our nation from the threat of illegal drugs,” pahayag ni Commissioner Bienvenido Rubiom na binigyang -diin ang marubdob nilang kampanya na sugpuin ang pagpupuslit ng illegal drugs sa bansa.


Tags: Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA)

You May Also Like