ARESTADO ang isang 37-anyos na lalaki matapos na ireklamo ng isang 61-anyos empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nang isanla ng suspek ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ,kahapon ng madaling araw sa Mabini,Ermita, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 9, nagreklamo ang biktimang DPWH employee at residente ng Unit No. 3625, The Manila Residences Tower 2 Taft Avenue, Malate dahil sa nawawala niyang mga alahas.
Habang anim na pawn receipt mula Rolly Estrella Pawshop, Inc. isang singsing at isang pares na hikaw ang nabawi ng mga pulis sa suspek na si Baihani Sabpa at taga No. 94, 7th Street, Luzon Avenue, Quezon, City.
Sa reklamo ng biktima,magkasama umano silang nakatira sa condominium ng suspek , pumunta umano siya sa Tacurong,Sultang Kudarat at pagbalik niya noong Mayo 2,madiskubre niya na nawawala ang kanyang mga alahas at wala na rin ang suspek.
May nakapagsabi umano sa biktima na
nasa Imperial Bay Front Tower, sa No. 1642 A. Mabini St., Ermita, ang suspek kaya pinuntahan niya kasama ang.mga pulis ng MPD-PS5 at Remedios Police Community Precint at dito naaresto ang suspek, alas 13:30 ng madaling araw.
Sinampahan naman ng kaaong qualified theft ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)