P1.29-B PINSALA SA AGRIKULTURA, P 23-M SA INFRA,DULOT NI ‘KARDING’

UMAKYAT o na sa P1.29 billion ang pinsala na dulot ng Typhoon Karding sa sektor ng agrikultura sa bansa sa huling situational report ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ayon sa Department of Agriculture, anim na rehiyon ang pangunahing apektado ng bagyong Karding sa Luzon particular sa mga sakahan at maisan. Iinatayang nasa 82,158 farmers at fisherfolk naman ang naapektuhan .


Sa inilabas na statement ng DA, ang damage at losses ay naiulat sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.

Ayon sa DA, ang lugi ngayon ng mga magsasaka sa rice production ay nasa P959.8 million na sinundan ng high-value crops na nasa P271.4 million at corn production na nasa P40.5 million.

Naitala rin ang losses sa fisheries at livestock na nagkakahalaga ng P17 million at P0.56 million base sa pagkasunod.


Sa kasalukuyan, ang total volume loss ay aabot sa 72,231 metric tons (MT) mula sa 141,312 hectares ng agricultural areas.

Pero ayon sa DA, ang naturang mga figures ay nananatili pa ring subject sa validation at posibleng mabago base sa DA-DRRMO on-the-ground data.


Samantala, nasa P23,050,000 ang halaga ng pinsalang iniwan sa imprastraktura ng Bagyong Karding sa tatlong rehiyon sa Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamalaking pinsala ang naitala sa Cordillera Administrative Region na nasa P19.6 million.


Sinundan ito ng MIMAROPA na nasa P3 million at Ilocos Region na nasa P450,000. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like

Most Read

Latest News