INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang may P1.081 bilyon para sa kompensasyon ng mga nasawi at nagkasakit na public at private healthcare workers (HCWs) at sa non-HCWs naton 2022.
Nabatid na ang mga HCWs at non-HCWs who na nagkaroon ng mild o moderate Covid-19 infection.ay makakatanggap ng P15,000,habang ang mga naospital dahil sa severe o kritikal na COVID19 ay bibigyan ng P100,000.
Samantala ang.mga nasawi sa COVID19 habang nasa duty ay tatanggap ng P1 milyon.
Ayon sa DBM ,ang pagkilala sa
Covid-19 classification ng eligible beneficiaries ay ubabase sa critweia,itinakda ng DBM-Department of Health (DOH) Joint Circular No. 2022-0002.
Ang pondo ay kinuha sa regular budget ng DOH sa ilalim ng FY 2022 General Appropriations Act.
Tiniyak ng DBM na patuloy nilang titiyakin ang tama sa oras ng pag-apruba ng budget upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga frontliners. (Jantzen Tan)