Tumanggap ng award ang Nation’s Girl Group at P-Pop na Bini bilang “Voices of Asia” at the Billboard K Power 100 kung saan nakatakda din silang mag-perform doon.
Excited ang walong members ng BINI na sina Mikha, Stacey, Maloi, Sheena, Jhoanna, Colet, Gwen at Aiah, hindi lang para tumanggap ng award mula sa Billboard Korea kundi para na rin ma-meet nila at mapanood ang mga South Korea’s biggest pop stars.
“Fangirling nang malala,” ani Gwen.
“We are happy and excited kasi we are one of those na magrerepresent ng PPop and then not just PPop but the Philippines as well. Excited na kami,” say naman ni Jho.
Si Colet ay um-agree:”Kinikilig po, yun po yung pinag-uusapan namin kanina.”
Dapat nga raw ang kakantahin ng BINI girls ay Cherry on Top, but Blooms have been rallying online na ang kantahin nila ay Pantropiko.
Hindi naman in-assure ng grupo kung ano ang kanilang ipe-perform, dahil ayon Gwen: “Pinaghandaan namin ito, and it’s meant to be a surprise.”