P 3-MILLION KUSH HULI, CLAIMANT ARESTADO

NADAKIP ng pinagsanib na operatiba mula Bureau of Custom- Port of Clark, Port at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek o claimant na tumanggap ng mahigit P3 milyong halaga ng high grade Marijuana mula Canada sa isinagawang controlled delivery operation sa Sulu Street, Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone.

Nabatid na unang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) at PDEA ang mahigit dalawang kilo ng high grade marijuana ( Kush) noong February 19, 2023 kung saan galing ang shipment sa Quebec, Canada kasunod ng impormasyong nakuha mula sa PDEA ICFAS na ipinarating ng mga dayuhang counterpart nito.


Una itong idineklara bilang mga kurtina ng bintana at bulak pero ng dumaan ito sa K9 unit at x-ray scanning ay nadiskubre ang kaduda-dudang laman ng bagahe.

Agad na isinailalim ang bagahe sa physical examination at dito na nadiskubre ang limang pouch na naglalaman ng humigit-kumulang 2,336 gramo ng mga tuyong dahon ng high grade marijuana o kush na tinatayang may street value na aabot sa P3,737,600.

Kaya ikinasa ang isang controlled delivery operation na magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba PDEA Zambales Provincial Office, Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Port of Subic.


Kinilala ng mga operating team ang naarestong consignee na si Federico Cesar Flores-Luna alyas Nestor Bustamante, 32 taong gulang, at residente ng Opal BLDG Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 .

Muling ipinahayag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na mas lalo pa silang maghihigpit sa pagbabantay at pagmomonitor ng anumang dumarating na kargamento sa bansa para mapigilan ang pagpupuslit ng ilegal na droga gayundin ang iba pang uri ng smuggling.


Samantala , isang lalaking senior citizen ang natiklo na kinilalang si Abner V. Bautista, 63 anyos, at residente ng Barangay Sta. Si Lucia, Masantol, dahil sa pag-claim ng P345,000 halaga ng imported na shabu kasunod ng entrapment operation na inilunsad ng mga awtoridad ng gobyerno kamakalawa ng gabi.

Ayon PDEA team leader, dumating sa Port of Clark noong February 18, 2023 ang package na naglalaman ng imported na shabu na nagmula sa California, USA.


“Ang pakete na naglalaman ng iligal na droga ay unang na-tag bilang kahina-hinala ng X-ray inspector. Ang K9 sniffing at field testing gamit ang Rigaku Rogeny ay isinagawa na humantong sa pagtuklas at pagkumpirma ng mga ilegal na nilalaman nito. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Bureau of Custom- Port of Clark, Port at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read