OWWA at Tesda, lumagda ng MOA para palawakin ang suporta sa mga OFW at pamilya nila

By: Tony Gildo

Inihayag ng OWWA na bilang bahagi ng partnership ng OWWA at TESDA nais nitong palawakin ang pag-access ng mga OFWs at kanilang pamilya sa skills training, competency assessment and certification, scholarship opportunities, employment facilitation at iba pang programa para sa mas maraming oportunidad sa loob at labas ng bansa.


Ito ang kinumpirma ng OWWA kasunod ng pormal na paglagda ng ahensiya at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng Memorandum of Agreement (MOA) na magpapalawak ng mga oportunidad para sa mga OFWs at kanilang pamilya sa larangan ng skills training, upskilling, re-skilling, scholarship, livelihood, entrepreneurship at employment support.

Pinangunahan ni OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan ang ceremonial signing ng kasunduan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng OWWA na palakasin ang full-cycle reintegration programs para sa mga OFWs mula pre-deployment, habang nasa ibang bansa, hanggang sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Kabilang din sa mga prayoridad ng kasunduan ang pagpapalakas ng reintegration support, pagpapadali ng referral at certification mechanisms, pag-aangkop ng training programs sa pangangailangan ng labor market at pagpapalawak ng access sa scholarship at financial assistance programs para sa mga OFWs at kanilang mga pamilya.


Tags: OWWA

You May Also Like