Latest News

Ospital sa lalawigan ng Albay, inilagay ng DOH sa Code Blue Alert

By: Jaymel Manuel

Dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon, iInilagay ng Department of Health (DOH) sa Code Blue Alert, ang lahat ng ospital sa lalawigan ng Albay.

Nilinaw ng DOH na kasama sa inilagay sa Code Blue Alert ang mga non-DOH hospitals.

Ayon sa DOH ,ang Code Blue Alert ay Isang response level alert para sa ahensiya na nangangahulugan na ang DOH team ay kinakailangang umikot at maging handa sa araw-araw.

Kinakailangan umanong nasa lugar na ng evacuation center o sa mga apektadong lugar ang DOH team para magbigay ng atensiyon medikal sa mga nagkasakit.

Samantala,nagdeklara na ng state of calamity ang Albay provincial government noong Biyernes matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert level 3 ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs mabilis na umano ang oagdaloy sa bunganga ng bulkan ng volcanic ash, rock at gases, o pyroclastic density currents (PDCs).

Aabot sa may 4,749 pamilya na nasa loob ng 6 kilometro permanent danger zone ang inilikas na sa lugar.

Tags:

You May Also Like

Most Read