May 10 pasyente ang agarang inilikas matapos na masunog ang isang bahagi ng Hospital of the Infant Jesus Medical Center kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP),ang sunog ay nagsimula ala- 4:44 ng madaling araw sa isang bahagi ng ospital.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fireout alas- 7:36 ng umaga.
Ang mga inilabas na pasyente ay galing sa general ward at nasa stable naman na kalagayan.
Patuloy naman iniimbestigahan ng Arson Division ang pinagmulan ng sunog at inaalam pa rin ang halaga ng mga napinsalang ari-arian. (Jantzen Tan)














